Location: Calumpit, Bulacan
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 24 June 2019
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG CALUMPIT
ITINATAG NG MGA AGUSTINO BILANG BISITA NG TONDO SA PATRONATO NI SAN JUAN BAUTISTA, 1572. NAGING GANAP NA PAROKYA, 1575. ITINALAGANG UNANG BIKARYO SI PADRE DIEGO DE HERRERA, 1575–1576 NA SINUNDAN NI PADRE MARTIN DE RADA, 1576–1578. ITINAYO ANG SIMBAHAN AT KUMBENTONG YARI SA BATO, TISA AT KAHOY, 1779. ANG KUMBENTO AY NAGSILBING HIMPILAN AT SENTRO NG GAWAIN NG ORDEN SA HILAGA NG MAYNILA. PINALAKI AT ISINAAYOS ANG KAMPANARYO NI PADRE ANTONIO LLANOS, 1829. SINUNOG NG MGA REBOLUSYONARYONG PILIPINO ANG SIMBAHAN SA KASAGSAGAN NG LABANAN UPANG PIGILAN ANG PAGSULONG NG MGA PUWERSANG AMERIKANO PAHILAGA, 27 ABRIL 1899.