Location: Sitio Old Bosoboso, Brgy. San Jose, Antipolo, Rizal
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 14 June 2018
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG LUMANG BOSOBOSO
ITINAYO ANG UNANG SIMBAHAN NANG MAORGANISA NG MGA PARING PRANSISKANO ANG MGA DUMAGAT NG LANATIN AT LINOTAN SA KABUNDUKAN NG TANAY, LALAWIGAN NG TONDO, NGAYO’Y RIZAL, 1669. TINAWAG NA MISYON NG SAN ANDRES DE LANATIN NG MGA PARING PRANSISKANO, 1670. TINAWAG NA BOSOBOSO NANG ITULOY NG MGA PARING HESWITA ANG MISYON, KASABAY NG PAGIGING BAYAN NITO, 1741. ISINALIN SA MGA PARING SEKULAR, 1768. NAWASAK NG LINDOL, 1880. INABANDONA DAHIL PINALIPAT ANG MGA TAGA-RITO SA BAGONG BOSOBOSO SA ILALIM NG ANTIPOLO, RIZAL, MATAPOS ISAMA SA MARIKINA WATERSHED RESERVATION, 1911. NAGING HIMPILAN NG HUNTERS ROTC GUERRILLA ANG MGA GUHO NITO, 1942. MULING ISINAAYOS NG MGA MANANAMPALATAYA AT NG MGA PARING KAMILYANO, 1995. ITINALAGANG PATRON ANG NUESTRA SEÑORA DE LA ANUNCIATA AT MULING NAGING PAROKYA NG DIYOSESIS NG ANTIPOLO SA PANGANGASIWA NG MGA PARING KAMILYANO, 2004.