Location: Quezon Avenue, Lucban , Quezon
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: Level II – Historical marker
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LA CASA DE DOÑA ANA
SA POOK NA ITO IPINATAYO NG MAG-ASAWANG PEDRO NEPOMUCENO Y VILLASEÑOR AT ANA MARIA HERRERA Y DE LA CONCEPCION ANG ISANG MALAKING BAHAY NA BATO SA ESTILONG NEO-CLASSICAL ILANG TAON MAKARAAN ANG KANILANG KASAL NOONG 1842. NAG-IISANG YARI SA GANITONG ESTILO SA BUONG BAYAN NG LUCBAN ANG BAHAY AY PABORITONG TULUYAN NG MGA KILALANG PANAUHIN MULA SA MAYNILA AT MGA KARATIG BAYAN. LALONG KILALA SA TAWAG NA LA CASA DE DOÑA ANA BILANG PARANGAL SA BUTIHING MAYBAHAY NG NAGTATAG NG HOSPICIO DE POBRES DE LUCBAN. ISANG INSTITUSYONG KANYANG ITINAGUYOD SA PAMAMAGITAN NG KANYANG PERSONAL NA PAGKALINGA SA MAHIHIRAP AT MGA MAYSAKIT. BINILI NG MAG-ASAWANG MARCELO DEALO AT EDUVIGES VELOSO, 1946. MULING IPINAGAWA NG MGA TAGAPAGMANANG SINA ANTONIO AT MILADA DEALO-VALDE, 1994 AT PINANGANLANG LA DOÑA ANA.