Location: Inabanga, Bohol
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 10 March 2015
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG INABANGA
ITINATAG NG MGA HESWITA SA ILALIM NG PATRONATO NI SAN PABLO APOSTOL, 1724. WINASAK NG MGA NAG-ALSANG TAGASUNOD NI FRANCISCO DAGOHOY ANG SIMBAHANG YARI SA BATO, IKA-18 SIGLO. INILIPAT ANG PAROKYA SA PANGANGASIWA NG MGA REKOLETO, 1768–1898. SINIMULANG IPAAYOS ANG APSIS, 1889. PINANGASIWAAN NG MGA PARING SEKULAR, 1899. SINUNOG NG MGA SUNDALONG AMERIKANO, ENERO 1902. IPINAGAWA ANG HARAPANG BAHAGI NG SIMBAHAN SA PANUNUNGKULAN NI PADRE QUITERIO SARIGUMBA, 1931; AT NI PADRE VALERIANO CABANTAN ANG KAMPANARYO, 1940. PINALITAN NG BAKAL AT TISA ANG BUBONG, 2002. NASIRA NG LINDOL, 15 OKTUBRE 2013.