Location: Culion, Palawan
Category: Sites/Events
Type: Hospital complex and community
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 26 July 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CULION LEPER COLONY
ITINATAG SA BISA NG KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 35 NG PAMAHALAANG AMERIKANO, 22 AGOSTO 1904. NAKARATING DITO ANG UNANG GRUPO NG 365 NA MAY SAKIT NA HANSEN MULA SA BISAYAS, 27 MAYO 1906. IPINATUPAD ANG BATAS BLG. 1711 NA TINIPON ANG MGA MAY SAKIT SA CULION, 12 SETYEMBRE 1907. NAGING PINAKAMALAKI AT MODELONG LEPROSARYO SA BUONG MUNDO AT SENTRO NG PANANALIKSIK SA SAKIT, DEKADA 1920. SIMULA 1927, BUMABA ANG BILANG NG MGA IPINATAPON SA CULION SA PAGBUKAS NG MGA PAGAMUTAN PARA SA SAKIT SA MGA REHIYON. NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, KINUMPISKA NG MGA HAPON ANG PAGKAING NAIMBAK SA ISLA, KAYA’T HIGIT SA 2,000 PASYENTE ANG NAMATAY SA GUTOM AT IBA’T IBANG SAKIT. ANG DATING OSPITAL NG CULION AY NAGING CULION SANITARIUM AND GENERAL HOSPITAL, 2009.