Location: Tupaz Street, Laoag City, Ilocos Norte
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1985
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANASTACIA GIRON-TUPAS
(1890–1972)
IPINANGANAK SA LAOAG, ILOCOS NORTE, AGOSTO 26, 1890. REHISTRADONG NARS, PGH, 1912. NAGTAMO NG CERTIFICATE OF PUBLIC NURSING, UNIVERSITY OF PENNSYLVANIA, AT B.S.E., M.S. (EDUKASYON) AT M.A. (NARSING), U.P. UNANG PILIPINONG PUNONG NARS AT SUPERINTENDENTE, PGH SCHOOL OF NURSING, 1917–1923. NAGTATAG AT UNANG SUPERINTENDENTE, SOUTHERN ISLAND HOSPITAL SCHOOL OF NURSING (LUNGSOD NG CEBU), 1919–1928. PANGULO NG KOMITENG TAGABALANGKAS NG BATAS 2808 NG NARSING, 1919. NANGUNA, PHILIPPINE NURSES ASSOCIATION (PNA), 1922. NAGTATAG AT UNANG DIREKTOR, U.P. SCHOOL OF PUBLIC HEALTH NURSING. PUNO AT PAGKARAAN DEKANA EMERITUS, PWU COLLEGE OF NURSING. MAY-AKDA NG THE HISTORY OF NURSING IN THE PHILIPPINES, 1952. TUMANGGAP NG PINAKATANGING GAWAD, PHILIPPINE ASSOCIATION OF BOARD OF EXAMINERS, 1951; PRESIDENTIAL MEDAL OF MERIT, 1959; AT POSTUMONG GAWAD NG PNA BILANG TAGAPAGTATAG NITO AT BILANG “DEKANA NG NARSING SA PILIPINAS,” 1981. SA KANYANG ALA-ALA, ANG “OUTSTANDING ACHIEVEMENT AWARD” NG PNA AY PINANGANLANG “ANASTACIA GIRON TUPAS AWARD” NOONG 1975. NAMATAY, SETYEMBRE 28, 1972.