Location: Veteran’s Park, Calicoan, Calicoan Island, Guiuan, Eastern Samar
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Date of marker unveiling: 18 March 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SAMAR
RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS
PAKAY NG EKSPEDISYON NA MAHANAP ANG RUTA PATUNGONG MALUKU, NOO’Y KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA (BAHAGI NGAYON NG INDONESYA). MULA GUAM, TINUNGO NG EKSPEDISYON ANG PAKANLURANG RUTA, 9 MARSO 1521. NATUMBOK ANG PULO NG SAMAR NA INIWASAN DAHIL SA MABATONG BAYBAYIN NITO (TINATAYA NGAYONG TANGWAY NG GUIUAN AT PULO NG CALICOAN, GUIUAN, EASTERN SAMAR). TUMULOY SA KATUBIGAN NG SULUAN (BAHAGI NGAYON NG GUIUAN, EASTERN SAMAR), PISTA NG SAN LAZARO, 16 MARSO 1521. ANG MGA KALUPAANG ITO AY BINANSAGANG ISLAS DE SAN LAZARO NI FERNANDO MAGALLANES, PINUNO NG EKSPEDISYON. NARATING NG EKSPEDISYON ANG PILIPINAS DAHIL SA PAGHAHANAP SA MALUKU.
ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.