Location: Municipal Compound, Limasawa Island, Southern Leyte
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Date of marker unveiling: 30 March 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LIMASAWA (MAZAUA)
RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS
MULA SA KIPOT NG SURIGAO, TINUNGO NG EKSPEDISYON ANG PULO NG MAZAUA (LIMASAWA, SOUTHERN LEYTE), MATAPOS MATANAW ANG MALAKING SILAB SA PULONG ITO, GABI NG 27 MARSO 1521. PINATULOY NI COLAMBU, RAHA NG MAZAUA, ANG EKSPEDISYON AT DUMAONG ANG MGA ITO SA KANLURANG BAHAGI NG PULO, 28 MARSO 1521. NAPAGTANTO RITO NI FERNANDO MAGALLANES, PINUNO NG EKSPEDISYON, NA NAIKOT NA NILA ANG MUNDO DAHIL NAGKAINTINDIHAN SINA RAHA COLAMBU AT ENRIQUE DE MALACCA, TAGASALIN NG EKSPEDISYON, GAMIT ANG WIKANG MALAYO, NAGSANDUGO SINA RAHA COLAMBU AT MAGALLANES, 29 MARSO 1521. DITO NAGANAP ANG MISA NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY, 31 MARSO 1521. NAGDESISYON ANG EKSPEDISYON NA TUMUNGO NG CEBU MATAPOS MABALITAAN ANG AKTIBONG KALAKALAN. NILISAN ANG MAZAUA, 4 ABRIL 1521.
ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.