Location: Barangay Punta, Baybay City, Leyte
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Date of marker unveiling: 5 April 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BAYBAY
RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS
MULA SA KATUBIGAN NG CANIGAO, TINAHAK NG EKSPEDISYON ANG KATUBIGAN NG BAYBAY, KAPWA BAHAGI NGAYON NG LEYTE, 5 ABRIL 1521. INAKALA NI ANTONIO PIGAFETTA, TAGAPAGTALA NG EKSPEDISYON, NA HIWALAY NA PULO ITO MULA SA CEYLON (LEYTE). INILARAWAN NI FRANCISCO ALBO, ISA SA MGA PILOTO NG EKSPEDISYON, ANG BAYBAY BILANG POOK NA NAPAKATAAS AT NAPAKAHABA. SINAMAHAN NINA RAHA COLAMBU ANG EKSPEDISYON PATUNGONG CEBU UPANG MAKIPAGKALAKAL ANG MGA ITO NG MGA PANGANGAILANGAN PARA SA PAGLALAKBAY PATUNGONG MALUKU, NOO’Y KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA (BAHAGI NGAYON NG INDONESYA).
ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.