Location: Liberty Shrine, Lapu-Lapu City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Date of marker unveiling: 27 April 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MACTAN
RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS
MATAPOS ANG BINYAGANG KRISTIYANO SA CEBU, 14 ABRIL 1521, IPINASUNOG NI FERNANDO MAGALLANES, PINUNO NG EKSPEDISYON, ANG BULAIA (BUAYA, LUNGSOD NG LAPU-LAPU) DAHIL SA DI PAGKILALA SA KANIYA AT SA KAPANGYARIHAN NI RAHA HUMABON. IPINADALA NI ZULA, ISA SA MGA PINUNO NG MACTAN, ANG ANAK NITO SA CEBU NA SIYANG NAG-ULAT KAY MAGALLANES NA AYAW KILALANIN NI LAPULAPU, PINUNO NG MACTAN, ANG HARI NG ESPANYA AT ANG PAGKAKATALAGA KAY HUMABON BILANG PINAKAMATAAS NA PINUNO NG CEBU AT MACTAN. DITO NAGANAP ANG LABANAN KUNG SAAN NAPATAY NG MGA MANDIRIGMA NG MACTAN SI MAGALLANES, 27 ABRIL 1521.
ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.