Location: Punta Cruz Watchtower Compound, Maribojoc, Bohol
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Date of marker unveiling: 17 June 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BOHOL
RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS
AGAD NA NILISAN NG EKSPEDISYON ANG CEBU MATAPOS PASLANGIN NG MGA CEBUANO ANG ILAN SA MGA KASAPI NITO, 1 MAYO 1521. DUMAONG SA KATUBIGAN NG BOHOL (TINATAYANG MARIBOJOC, BOHOL), 2 MAYO 1521. NAHALAL SI JUAN CARVALHO, KAPITAN NG CONCEPCION, BILANG BAGONG PINUNO NG EKSPEDISYON MATAPOS PASLANGIN SI DUARTE BARBOSA SA CEBU. NAHALAL DIN SI GONZALO GOMEZ DE ESPINOSA BILANG KAPITAN NG VICTORIA, ANG BARKONG KALAUNA’Y TANGING NAKABALIK SA ESPANYA AT NAKAIKOT SA DAIGDIG. DAHIL SA KAKAUNTI NA LAMANG ANG MGA KASAPI NG EKSPEDISYON, SINUNOG NILA SA KATUBIGAN NG BOHOL ANG BARKONG CONCEPCION. MULA RITO, TINAHAK NG EKSPEDISYON ANG KATUBIGAN NG PANILONGON (TINATAYANG NEGROS), BILANG PAGPAPATULOY SA PAGHAHANAP SA MALUKU, NOO’Y KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA (BAHAGI NGAYON NG INDONESYA), MAYO 1521.
ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.