Location: Rizal Boulevard, Dumaguete City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Date of marker unveiling: 4 May 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PANILONGON (NEGROS)
RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS
MATAPOS SUNUGIN ANG BARKONG CONCEPCION SA KATUBIGAN NG BOHOL, TUMUNGO ANG EKSPEDISYON SA KATUBIGAN NG PANILONGON (TINATAYANG NEGROS). NAITALA NI FRANCISCO ALBO, ISA SA MGA PILOTO NG EKSPEDISYON, NA MAYAMAN ITO SA GINTO AT LUYA. MULA RITO, TINUNGO NG EKSPEDISYON ANG MINDANAO SA PAG-ASANG MARATING ANG MALUKU, NOO’Y KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA (BAHAGI NGAYON NG INDONESYA), MAYO 1521.
ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.