Location: Guiuan, Eastern Samar
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II – Historical marker
Date of marker unveiling: 18 March 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG GUIUAN
UNANG ITINATAG NG MGA PARING HESWITA SA PATRONATO NG LA PURISIMA CONCEPCION NOONG UNANG BAHAGI NG IKA-17 DANTAON. IPINATAYO ANG SIMBAHANG YARI SA BATO, 1718. INILIPAT SA PAMAMAHALA NG MGA PARING AGUSTINO MATAPOS PAALISIN ANG MGA HESWITA, 1768. INILIPAT SA PAMAMAHALA NG MGA PRANSISKANO, 1795–1804. MULING ISINAAYOS NG MAGKAPATID NA PADRE PEDRO AT MANUEL MONASTERIO DE VALVERDE, OFM. NILAGYAN NG BUBONG NA TISA AT TINAYUAN NG BAGONG KAMPANARYO, 1844–1864. PINAGAWAN NG BAGONG KUMBENTO NI PADRE ARSENIO FIGUEROA, OFM, 1872. MULING ISINAAYOS, 1935 AT 1987. IPINAHAYAG NA PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN NG PAMBANSANG MUSEO, 31 HULYO 2001. NASIRA NG BAGYONG “YOLANDA”, 8 NOBYEMBRE 2013. ISINAAYOS NG PAMBANSANG MUSEO 2016–2019. PINASINAYAAN, 8 DISYEMBRE 2019.