Location: Pulilan, Bulacan
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II – Historical marker
Date of marker unveiling: 15 March 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG PULILAN
ITINATAG NG MGA AGUSTINO BILANG VISITA NG QUINGUA, NGAYON AY PLARIDEL, SA ILALIM NG PATRONATO NI SAN ISIDRO LABRADOR, 1749. NAGING PAROKYA AT ITINAYO SA LONGOS ANG UNANG SIMBAHAN GAWA SA KAWAYAN, PAWID, AT KAHOY, 1764. INILIPAT AT IPINAGAWA ANG BAGONG SIMBAHANG PAWID AT KAHOY SA KASALUKUYAN NITONG KINATATAYUAN, 1793. PINAHINTULUTAN ANG PAGTATAYO NG SIMBAHANG BATO, 27 NOBYEMBRE 1798. NASIRA NG LINDOL, 1863 AT 1880. IPINAAYOS NI PADRE MIGUEL CELIS, O.S.A., 1888. NAKUBKOB NG MGA REBOLUSYONARYO NOONG HIMAGSIKAN. KINUMPUNI ANG KAMPANARYO MATAPOS MASIRA NG LINDOL 18 OKTUBRE 1959. PINALITAN ANG RETABLO AT SAHIG, 2013. NATAPOS ANG PAGPAPANUMBALIK SA DATING KAAYUSAN KASAMA ANG KUMBENTO, 9 ENERO 2019. IDINEKLARA BILANG PANDIYOSESIS NA DAMBANA NG DIYOSESIS NG MALOLOS, 13 DISYEMBRE 2020.