Location: Bongabong, Oriental Mindoro
Category: Buildings/Structures
Type: Ruins
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MGA GUHO NG SIMBAHANG KUTA
UNANG NAPAHAYAG SA LIBRO DE REGISTROS NG MGA REKOLETO NOONG 1737 ANG MISYON NG BONGABONG. NAGSILBING PLAZA DE ARMAS KUNG SAAN ANG MGA MAMAMAYAN NG MISYON AY NAGKUBLI TUWING PANAHON NG PANANALAKAY. NASIRA ANG MGA ITO NOONG 1753 AT 1754 NOONG SUMALAKAY ANG MGA MUSLIM DAHIL SA KANILANG PATULOY NA PAGTUTOL SA PANANAKOP NG MGA DAYUHANG ESPANYOL. HALIMBAWA ANG MGA GUHO NG PAGSASAMA-SAMA NG KATANGIANG SIMBAHAN AT KUTA. IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, 25 HUNYO 2012.