Location: Pateros, Metro Manila
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Date of marker unveiling: 15 August 2015
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG PATEROS
ITINATAG NG MGA AGUSTINO BILANG VISITA NG PASIG, 1572. NAGING VISITA NG TAGUIG, 1742. NAGING PAROKYA SA PATRONATO NI SAN ROQUE, 1 HUNYO 1815. IPINATAYO NINA PADRE ANDRES VEIL AT PADRE MANUEL PELAES ANG SIMBAHAN YARI SA BATO AYON SA DISENYO NI PADRE SANTOS GOMEZ MARAÑON, 1815. IPINAGAWA NI PADRE RAYMUNDO MARTINEZ ANG KAMPANANG IPINANGALAN KAY SAN ISIDRO, 1821. NASIRA NG LINDOL, 1863. IPINAAYOS NI PADRE NICOLAS GONZALES, 1892; IPINATAPOS NI PADRE TOMAS ESPEJO, 1893. PANSAMANTALANG NAGING KUWARTEL HENERAL NI HEN. EMILIO AGUINALDO ANG KUMBENTO, 1–2 ENERO 1897. NASIRA NOONG LABANAN SA PATEROS, 14 MARSO 1899. DITO IKINULONG NG MGA HAPON ANG MGA PILIPINONG DINAKIP SA PATEROS, AGOSTO 1943. MARAMING SIBILYAN ANG PINASLANG NG MGA HAPON SA LOOB NG SIMBAHAN AT SA PALIGID NITO, DISYEMBRE 1944.