Location: Quezon Avenue, Quezon City
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II – Historical marker
Date of marker unveiling: 22 July 1988
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG SANTO DOMINGO
DATING KAPILYANG YARI SA KAHOY NA IPINATAYO NG MGA UNANG MISYONARYONG DOMINIKO SA TULONG NI OBISPO DOMINGO DE SALAZAR, O.P., SA INTRAMUROS, MAYNILA, AT PINASINAYAAN NOONG ENERO 1, 1588; GUMUHO NOONG 1589. IPINATAYONG YARI SA BATO, KASAMA ANG KUMBENTO NI PADRE ALONSO JIMENEZ, O.P., 1592, AT IDINAMBANA ANG MILAGROSANG “OUR LADY OF THE ROSARY” O “LA NAVAL”, 1593. NASUNOG, 1603, AT MULING IPINATAYO, 1613; NASIRANG BAHAGYA NG LINDOL, 1645, AT PINAAYOS NANG TAON DING IYON; MULING NASIRA NG LINDOL, 1863, AT IPINAGAWANG MAY KAHANGA-HANGANG NEO-GOTHIC NI ARKITEKTO FELIX ROXAS, 1867; AT HULING NASIRA NANG BOMBAHIN NG MGA SUNDALONG HAPONES, 1941. INILIPAT AT IPINAGAWA SA POOK NA ITO, INILAGAY ANG UNANG BATO, 1952; PINASINAYAAN NI RUFINO J. CARDINAL SANTOS, 1954; AT IPINAHAYAG NA “NATIONAL SHRINE OF OUR LADY OF THE ROSARY”, NG PHILIPPINE HIERARCHY, 1954.