Location: Mendiola St., San Miguel, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 22 July 2001
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KOLEHIYO NG SAN BEDA
ITINATAG NG MGA KASTILANG PARING BENEDIKTINO SA KALYE ARLEGUI NOONG 1901 BILANG EL COLEGIO DE SAN BEDA. OPISYAL NA BINUKSAN PARA SA MGA MAG-AARAL SA MABABA AT MATAAS NA PAARALAN AT SA KOMERSYO NOONG HUNYO 17, 1901. KINILALA NG PONTIPIKAL NA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS, ENERO 24, 1906. KINILALA NG PAMAHALAAN AT BINIGYAN NG KARAPATANG MAGKALOOB NG DIPLOMA PARA SA MABABA AT MATAAS NA PAARALAN AT NG TITULONG BATSILYER, MAYO 12, 1910. NAKILALA BILANG KOLEHIYO NG SAN BEDA, 1918. INILIPAT SA KASALUKUYANG KINATATAYUAN NOONG 1926. NAGING TIRAHAN NG KOR NG KOMISARYO NG HUKBO NG ESTADOS UNIDOS, 1941 AT NG HUKBONG IMPERYAL NG HAPON SA BUONG PANAHON NG PANANANKOP NITO. NAGSILBING PAGAMUTAN NG HUKBO NG ESTADOS UNIDOS, 1945. BINUKSAN ANG KURSO PARA SA BATAS, 1948, AT PAG-AARAL NA GRADWADO, 1988.
INILAGAY ANG PANANDANG PANGKASAYSAYAN NOONG IPAGDIWANG ANG IKA-100 TAON NG PAGKATATATAG NG KOLEHIYO.