Location: National Museum of the Philippines, P. Burgos Drive, Ermita, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 15 July 1987
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LEAGUE OF WOMEN VOTERS OF THE PHILIPPINES, INC. (LWVP)
ISANG SIBIKONG SAMAHANG WALANG KINAKATIGAN. ITINATAG NOONG HULYO 15, 1937 NI PURA VILLANUEVA–KALAW UPANG PAUNLARIN ANG KAALAMANG PANLIPUNAN AT PAMPULITIKA NG MGA FILIPINA, HIKAYATIN ANG KANILANG MASIGASIG NA PAKIKILAHOK SA MGA GAWAING PAMPAMAHALAAN AT PANATILIHIN ANG DIWA NG BATAS BLG. 4112 NG DISYEMBRE 7, 1933 NA NAGBIGAY KARAPATANG BUMOTO SA MGA FILIPINA. NATALANG KORPORASYON NOONG ABRIL 30, 1954 SA PAMAMAGITAN NI FERNANDA SALCEDO–BALBOA NA NANUNGKULANG PANGULO NANG MAHIGIT NA SAMPUNG TAON. KASALUKUYANG PINAMAMAHALAAN NG LUPON NG 15 BABAENG PATNUGOT SA PAMUMUNO NI FELICIDAD SINGSON–CALIP. ITONG PANANDA AY INILAGAY NOONG PANAHON NG PANUNUNGKULAN NI CELIA DIAZ–LAUREL, TAGAPANGULO SA PAGDIRIWANG NG GOLDEN JUBILEE, HULYO 15, 1987.