Location: Hospicio de San Jose, Ayala Bridge, Isla de Convalecencia, San Miguel, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1977
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HOSPICIO DE SAN JOSE
(1782)
ITINATAG NOONG 1782 NG MAG-ASAWANG FRANCISCO GOMEZ ENRIQUEZ PARA SA MAHIHIRAP AT MAHIHINA ANG ISIP. MULA SA PANDAKAN AY INILIPAT SA INTRAMUROS, PAGKATAPOS AY SA BINUNDOK, AT KATAPUS-TAPUSA’Y SA MUNTING PULONG ITO NOONG 1835–40. ANG INSTITUSYONG ITO AY KUMAKALINGA SA MAHIHIRAP AT SA WALANG MAG-ARUGA. ANG PAGKALINGA SA MGA SANGGOL AY SINIMULAN NOONG 1905. MULA NOONG 1905 HANGGANG 1917, ANG MGA BATANG MAY PAGKAKASALANG NAGAWA AY IPINADADALA DITO NG PAMAHALAAN. MULA NOONG 1865, ANG MGA SISTERS OF CHARITY AY SIYA NANG NAMAHALA SA INSTITUSYONG ITO.