Location: The National Library of the Philippines, T.M. Kalaw Street, Ermita, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1969
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
ANG AKLATANG PAMBANSA
NAGMULA SA AMERICAN CIRCULATING LIBRARY NA ITINATAG NOONG 1900 AT IPINAGKALOOB SA PAMAHALAAN NG PILIPINAS NOONG 1901; NAGING SANGAY NG KAWANIHAN NG PAGTUTURO NOONG 1905. NOONG 1908 AY PINAGTIBAY NG ASAMBLEA ANG BATAS BLG. 1935 NA NAGTATADHANA NG PAGSASAMA-SAMA NG LAHAT NG MGA AKLATANG BAYAN AT ANG KABUUAN NITO’Y PINANGANLANG PHILIPPINE LIBRARY AND MUSEUM NOONG 1916, NA NAGING NATIONAL LIBRARY NOONG 1928. NOONG PANAHON NG HAPON, ANG ILAN SA MGA SANGAY NG AKLATAN AY INILIPAT SA PAMANTASAN NG PILIPINAS AT ANG MAHAHALAGANG KASULATAN AY INILIPAT SA GUSALI NG PHILIPPINE NORMAL SCHOOL. ANG PINAKAMALAKING BAHAGI NG MGA AKLAT AT KASULATAN AY NATUPOK SA LABANANG IBINUNGA NG PAGBABALIK NG MGA AMERIKANO NOONG 1945. ANG NAILIGTAS AY NAGING SALIGAN NG BUREAU OF PUBLIC LIBRARIES. NOONG 1964, ANG PANGALAN AY IBINALIK SA DATING NATIONAL LIBRARY.