Location: San Isidro Town Plaza, San Isidro, Nueva Ecija
Category: Sites/Events
Type: Event
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2005
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA SAN ISIDRO
LUMUSOB ANG HUMIGIT KUMULANG 3,000 REBOLUSYONARYO MULA SA BAYAN NG CABIAO SA PANGUNGUNA NI MARIANO LLANERA, KAPITAN MUNISIPAL NG CABIAO AT MULA SA GAPAN SA PANGUNGUNA NI PANTALEON VALMONTE, KAPITAN MUNISIPAL NG GAPAN TUNGO SA BAYANG ITO, DATING KABISERA NG NUEVA ECIJA. SA SALIW NG BANDA DE CABIAO GANAP NA IKA-3 NG HAPON, NILUSOB NG MGA MANGHIHIMAGSIK ANG HIMPILAN NG BAYAN, 2 SETYEMBRE 1896. NAPATAY SA LABANANG ITO SI KAPITAN JOAQUIN MACHORRO, KAPITAN NG GUARDIA SIBIL. SUMUKO KINA LLANERA AT VALMONTE ANG GOBERNADOR NG LALAWIGAN, LEOPOLDO WALLS, MGA PRAYLE AT KASTILANG SIBILYAN. SINAKOP NG MGA MANGHIHIMAGSIK ANG CASA GOBIERNO AT ANG LAHAT NG MAHAHALAGANG GUSALI NG BAYAN. GINUGUNITA ANG LABANANG ITO BILANG ARAW NG NUEVA ECIJA.