Location: ELJ Communications Center, Eugenio Lopez Jr. Drive cor. Mother Ignacia Avenue,
Quezon City
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II – With Marker
Marker Date: 2010
Marker text:
EUGENIO “GENY” LOPEZ, JR.
(1928–1999)
IPINANGANAK SA MAYNILA NOONG NOBYEMBRE 4, 1928. NAGTAPOS SA VIRGINIA MILITARY INSTITUTE NOONG 1950. NAKAMIT ANG TITULONG MASTER IN BUSINESS ADMINISTRATION MULA SA HARVARD BUSINESS SCHOOL NOONG 1953. MULA 1956 HANGGANG 1972, ITINATAG NIYA ANG ABS-CBN HANGGANG SA ITO AY TANGHALING PINAKAMALAKING KATIPUNAN NG MEDIA AT BRODKASTING SA PILIPINAS NA MAY 22 HIMPILAN NG RADIO AT ANIM NA HIMPILAN NG TELEBISYON. TAGALATHALA NG MANILA CHRONICLE. NAPIIT DAHIL SA NILIKHANG PARATANG SA LOOB NG MARAMING TAON MULA NOONG NOBYEMBRE 1972. NAKATAKAS MULA SA KANYANG BILANGGUAN SA FORT BONIFACIO NOONG SETYEMBRE 30, 1977 AT NANIRAHAN SA ESTADOS UNIDOS.
NAGBALIK SA PILIPINAS PAGKARAAN NG PEOPLE POWER REVOLUTION NOONG 1986. PINANGUNAHAN ANG MULING PAGTATATAG NG GRUPO NG MGA KUMPANYA NG MGA LOPEZ. NANGUNA SA MGA BAGONG PAKIKIPAGSAPALARAN SA LARANGAN NG TELEKOMUNIKASYON, BRODKASTING, LINGKURANG PANTUBIG AT PAGPAPAUNLAD NG MGA LUPAIN. HINIRANG NA ASIAWEEK BILANG ISA SA 50 PINAKAIMPLUWENSYAL NA LIDER SA ASIA NOONG 1977 AT 1999. NAGING ABALA SA MGA GAWAING PANGKAWANGGAWA AT NAGKALOOB NG KANYANG PANAHON AT TULONG SA MGA PAARALAN, MGA DUKHA, MGA MAYSAKIT AT KAPUS-PALAD NA MGA KABATAAN. NANINIWALA NA ANG PAGLILINGKOD BAYAN ANG TANGING DAHILAN NG PAG-IRAL NG MGA KUMPANYA NG MGA LOPEZ.
NAMATAY SA SAN FRANCISCO, CALIFORNIA NOONG HUNYO 28, 1999.