Location: Rodriguez Municipal Hall, J.P. Rizal Street, Rodriguez, Rizal
Category: Sites/Events
Type: Town
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2009
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BAYAN NG RODRIGUEZ
ITINATAG BILANG BAYAN NG MONTALBAN MULA SA APAT NA BARYO NG BAYAN NG SAN MATEO, 27 ABRIL 1871. SA YUNGIB NG PAMITINAN NAGANAP ANG MGA LIHIM NA PAGPUPULONG NG KATIPUNAN. LUMAHOK SA HIMAGSIKAN LABAN SA MGA ESPANYOL, 1898. DITO NAGANAP ANG LABANAN SA PAGITAN NG MGA FILIPINO AT AMERIKANO SA PAMUMUNO NI HEN. LICERIO GERONIMO, 1899. ISINAMA SA SAN MATEO, OKTUBRE 1903–1908. NAGING NAGSASARILING BAYAN, 1 ENERO 1909. PINANGALANANG RODRIGUEZ BILANG PARANGAL KAY EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZ, SR. NA DATING PUNONG LALAWIGAN NG RIZAL (1916–1922), 27 HUNYO 1982.