Location: Lucban, Quezon
Category: Sites/Events
Type: Town
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 14 May 1978
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LUCBAN
(1578–1978)
ITINATAG NG MGA PARING PRANSISKANO NOONG 1578 AT NAGING REGULAR NA PAROKYA AT BAYAN NOONG 1595. NANG PANAHONG ITO IPINATAYO ANG UNANG SIMBAHAN SA PATRONATO NI SAN LUIS OBISPO AT UNANG GOBERNADORSILYO SI MARCOS TIGLA.
NOONG 1629, ANG BAYAN AY INILIPAT SA KASALUKUYANG KINALALAGYAN NITO. IPINATAYO ANG BAHAY PAMAHALAAN NA YARI SA APOG AT BATO NOONG 1703 NA TINUPOK NG APOY NOONG SETYEMBRE 9, 1859. ANG KASALUKUYANG BAHAY PAMAHALAAN AY ITINAYO MATAPOS ANG MALAKING SUNOG NOONG HUNYO 13, 1968.
NOONG PANAHON NG KASTILA, NG AMERIKANO AT NG HAPON, MARAMING ANAK NG LUKBAN ANG NAKIPAGLABAN SA KALAYAAN AT KARAPATAN NG MGA PILIPINO. NANGUNA SA KILUSANG ITO SI APOLINARIO DE LA CRUZ, KINIKILALANG DAKILANG ANAK NG BAYAN AT NG BANSA.