Location: 1451 Quirino Avenue Extension, Paco, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 26 September 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ASOCIACION DE DAMAS DE FILIPINAS, INC.
SETTLEMENT HOUSE
ANG ASOCIACION DE DAMAS DE FILIPINAS, INC. AY ITINATAG NOONG SETYEMBRE 26, 1913 NG MGA MAYBAHAY NG MGA NANGUNANG KASAPI NG PHILIPPINE COLUMBIAN CLUB BILANG KABABAIHANG PANTULONG O AUKSILYAR NG SAMAHAN NA ANG UNANG PANGULO AY SI DR. HONORIA ACOSTA. ANG MGA UNANG PAGPUPUNYAGI NITO AY UPANG MAKALIKOM NG PONDO PARA SA PAMAYANAN NG MGA MAY KETONG SA CULION, IBA’T IBANG BAHAY-AMPUNAN, MGA NASUNUGAN AT MGA MAHIHIRAP NA NAGPAPASUSONG INA. NOONG 1919 ITINATAG NITO ANG PANIRAHAN SA ISANG PAUPAHANG GUSALI SA ABENIDA RIZAL, MAYNILA UPANG MAGSILBING PANSAMANTALANG KANLUNGAN PARA SA MGA SANGGOL, MGA BATA, HINDI KASAL NA MGA INA AT MGA MATATANDA. INILIPAT SA DAANG BENAVIDES SA SANTA CRUZ NOONG 1926 AT SA KASALUKUYANG KINATATAYUAN NITO SA DAANG CANONIGO, PACO NOONG 1927.
ANG PANIRAHAN AY NAGING KANLUNGAN NG MGA NAGSISILIKAS. NAGING PAGAMUTAN AT KLINIKA PARA SA MGA MAMAMAYAN NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, PAGKATAPOS NG DIGMAAN, ANG GUSALI AY SUMAILALIM SA PAGBABAGONG-AYOS. ISANG DAGDAG NA GUSALI NA MAY MGA MAKABAGONG KAGAMITAN ANG IPINATAYO MULA 1955 HANGGANG 1963. ANG AKLATAN AT PAARALAN PARA SA MGA BATA AY PINASINAYAAN NOONG 1997. ANG SALIGANG BATAS NITO AY SINUSUGAN NOONG ENERO 15, 1998 UPANG IBILANG ANG MGA KARAGDAGANG INTERES.