Location: Julian Garcia Street cor. Daniel Maramba Street, Santa Barbara, Pangasinan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: July 24, 1970
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
DANIEL MARAMBA
1870–1941
IPINANGANAK NOONG 21 HULYO 1870 SA ISANG BAHAY NA DATI’Y NAKATAYO SA POOK NA ITO NG STA. BARBARA, PANGASINAN. ISANG MAKABAYAN. KASAPI SA KATIPUNAN AT HIMAGSIKAN. TUMULONG SA PAGTATATAG NG ASOCIACION DE LOS VETERANOS DE LA REVOLUCCION. NAGTATAG AT NAGING UNANG PANGULO NG SAMAHANG MAGTATANIM NG PALAY AT TUBO SA PANGASINAN. NAGING HUKOM-PAMAYAPA, ALKALDE NG BAYAN, GOBERNADOR NG PANGASINAN, KINATAWAN SA KAPULUNGANG-BANSA. MAMBABATAS AT SENADOR. NAMATAY NOONG 27 DISYEMBRE 1941.