Location: M.A. Roxas Avenue cor. Oming Venus Avenue, New Washington, Aklan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2007
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JAIME CARDINAL SIN
(1928–2005)
ISINILANG KINA JUAN SIN AT MAXIMA LACHICA SA NEW WASHINGTON, AKLAN, 31 AGOSTO 1928. ITINALAGANG PARI, 3 ABRIL 1954; NAGLINGKOD BILANG PARING MISYONERO, DIYOSESIS NG CAPIZ, 1954–1957; UNANG REKTOR, ST. PIUS X SEMINARY, ROXAS CITY, 1957–1967; OBISPONG AUKSILYAR NG JARO, 1967; ARSOBISPO NG JARO, 1972; ARSOBISPO NG MAYNILA, 1974, AT KARDENAL, 1976. NAGSILBING LIDER ISPIRITWAL AT TAGAPAGTAGUYOD NG DEMOKRASYA SA PILIPINAS NOONG PANAHON NG BATAS MILITAR. ISA SA MGA NANGUNA SA PEOPLE POWER NG 1986 AT 2001. GINAWARAN NG PAMAHALAANG PILIPINAS NG LEGION OF HONOR, 1992; ORDER OF SIKATUNA, 1999; AT ORDER OF LAKANDULA, 2003. NAGRETIRO, 15 SETYEMBRE 2003. YUMAO, 21 HUNYO 2005.