Location: Central Luzon State University, University Avenue, Muñoz, Nueva Ecija
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: April 12, 2007
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
ITINATAG BILANG MUÑOZ SCHOOL, 1907. PORMAL NA BINUKSAN BILANG CENTRAL LUZON AGRICULTURAL SCHOOL (CLAS), 1909. GINAMIT ANG MGA GUSALI BILANG KUWARTEL NG MGA HAPON, 1941–1945. LIHIM NA ITINATAG NG MGA GURO AT MAG-AARAL SA LOOB NG PAARALAN ANG PANGKAT GERILYA, 1943. NAGSILBING FIELD HOSPITAL NG HUKBONG AMERIKANO, 1945. ISINAAYOS ANG MGA GUSALI SA PAMAMAGITAN NG UNITED STATES–PHILIPPINE WAR DAMAGE COMMISSION AT ISINALIN SA PAMAHALAAN NG PILIPINAS, 1950. NAGING CENTRAL LUZON AGRICULTURAL COLLEGE (CLAC), 1950, AT CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY (CLSU), 1964. NAGING KASAPI NG SOUTHEAST ASIAN INSTITUTE OF HIGHER LEARNING, 1967. HALIGI SA PAGBIBIGAY NG PROPESYONAL AT TEKNIKAL NA PAGSASANAY SA AGRIKULTURA AT PAGPAPAUNLAD NG PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG LARANGAN.