Location: 540 Paseo del Congreso, Malolos, Bulacan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2008
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JOSE C. COJUANGCO
(1896–1976)
MAMBABATAS AT MANGANGALAKAL. ISINILANG SA MALOLOS, BULACAN, 3 HULYO 1896. NAGTAPOS NG ABOGASYA SA ESCUELA DE DERECHO, NGAYO’Y MANILA LAW COLLEGE, 1920. KONSEHAL NG PANIQUI, TARLAC, 1922–1925. KINATAWAN NG TARLAC SA LEHISLATURA NG PILIPINAS, 1934–1947. NAGTATAG AT NAGING TAGAPANGULO NG PHILIPPINE BANK OF COMMERCE, 1938. TUMANGGAP NG AMERICAN MEDAL FOR FREEDOM MULA KAY PRESIDENTE HARRY S. TRUMAN PARA SA KANYANG KONSTRIBUSYON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 16 AGOSTO 1947. PINANGASIWAAN ANG HACIENDA LUISITA, 1959–1976. YUMAO SA BAYAN NG TARLAC, 21 AGOSTO 1976.