Location: F. Santiago Street, Santa Maria, Bulacan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1964
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
JOSE CORAZON DE JESUS (1894–1932)
HARI NG BALAGTASAN
ISINILANG SA DAANG TRINIDAD, STA. CRUZ, MAYNILA, NOONG IKA-22 NG NOBYEMBRE, 1894. NAGTAPOS NG MGA UNANG BAITANG SA STA. MARIA, BULAKAN. NAGPATULOY NG PAG-AARAL SA MAYNILA, AT NAGTAPOS SA PAGKA-MANANANGGOL SA ESCUELA DE DERECHO NOONG 1919. NAGSIMULANG TUMULA NOONG 1914 AT NAGING BANTOG SA PAGIGING MAKATANG LIRIKO AT MAMBIBIGKAS. NAGING “HARI NG BALAGTASAN” NOONG 1924 NANG TALUNIN NIYA SI FLORENTINO T. COLLANTES SA OLYMPIC STADIUM. KABILANG SA KANYANG BANTOG AT MAHAHABANG TULA ANG “SA DAKONG SILANGAN”, “MGA ITINAPON NG KAPALARAN”, “ANG ILAW SA KAPITBAHAY”, AT ANG KATIPUNAN NG MGA TULANG “MGA DAHONG GINTO.”
NAMATAY SA MAYNILA NOONG IKA-26 NG MAYO, 1932.