Location: Tukuran, Zamboanga Del Sur
Category: Buildings/Structures
Type: Ruins
Marker date: 24 October 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MGA GUHO NG KUTA NG TUKURAN
KINATATAYUAN NG PAMAYANAN NI SULTAN UNTUNG NA NAKUBKOB NG PUWERSANG ESPANYOL, 1887. TINAYUAN NG KUTA NG ALFONSO XIII, 1890; NATAPOS, 1891. POOK NG REBELYON LABAN SA ESPANYA, SETYEMBRE 1896 AT OKTUBRE 1898, AT POOK-PINAGBITAYAN SA MGA REBELDENG SUNDALONG PILIPINO SA MINDANAO, ENERO 1897. TINAYUAN NG PAMAYANANG MUSLIM MATAPOS IWAN NG MGA ESPANYOL, 1899. NAGING GARISON NG HUKBONG AMERIKANO, 1900-1912., AT NG PHILIPPINE CONSTABULARY, 1902-1903. SENTRO NG TUKURAN-LINTOGUP TELEPHONE LINE NG U.S. SIGNAL CORPS, ANG PANGUNAHING LINYA NG KOMUNIKASYON SA MINDANAO, 1 ENERO 1901. HIMPILAN NG DISTRITONG MILITAR, 1912-1918, AT DISTRITONG MUNISIPAL NG TUKURAN, 1918-1921. TULUYANG INABANDONA DULOT NG PATULOY NA PAGSALAKAY NG MGA MORO, 1921. NAGING BARANGAY MILITAR, TUKURAN, ZAMBOANGA DEL SUR.