Location: Dr. Pio Valenzuela Street cor. Kabesang Pino Street, Pariancillo Villa, Valenzuela
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1966
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
DR. PIO VALENZUELA 1869–1956
DAKILANG KATIPUNERO AT LINGKOD NG BAYAN
ISINILANG SI PIO VALENZUELA SA POLO, BULAKAN, NOONG HULYO 11, 1869. BUNSONG ANAK NINA KAPITAN FRANCISCO VALENZUELA AT LORENZANA ALEJANDRINO. UMANIB SA KATIPUNAN NOONG HULYO 15, 1892 NA ANG GINAMIT NA SAGISAG AY MADLANG-AWAY. BILANG SUGO NG KATIPUNAN, NAKIPAGKITA KAY JOSE RIZAL SA DAPITAN AT ISINANGGUNI ANG NAPIPINTONG PAGHIHIMAGSIK LABAN SA MGA KASTILA NA HINDI SINANG-AYUNAN NITONG HULI DAHIL SA KAKULANGAN NG SANDATA. SA BISA NG DEKRETO NI GOBERNADOR-HENERAL RAMON BLANCO NOONG AGOSTO 30, 1890, SI DR. VALENZUELA AY NAHATULANG MABILANGGO SA FUERZA SANTIAGO KASAMA SI ANTONIO LUNA AT IBA PA. NAKALAYA PAGKATAPOS NG KASUNDUAN SA PARIS, DISYEMBRE 10, 1898.
NAGING PUNONG-BAYAN NG POLO, SETYEMBRE 6, 1899; GOBERNADOR NG BULAKAN, 1919 AT 1922.
NAKIPAG-ISANG DIBDIB KAY MARCIANA DE CASTRO, OKTUBRE 9, 1900. YUMAO NOONG IKA-6 NG ABRIL 1956 SA POLO, BULAKAN.
BILANG PARANGAL KAY DON PIO ANG NGALANG POLO NG KANYANG BAYAN AY PINALITAN NG VALENZUELA.