Location: Manila Chinese Cemetery, Matandang Sora Street cor. Consul Gen Young Road, Santa Cruz, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2005
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HUKBONG GERILYA NG MGA TSINO-FILIPINO LABAN
SA MGA HAPON SA PILIPINAS
WHA CHI
BINUO NG MGA TSINONG LUMIKAS SA GITNANG LUZON MULA SA MAYNILA BILANG BAHAGI NG HUKBALAHAP UPANG LABANAN ANG PANANAKOP NG MGA HAPON. ITINALAGANG SQUADRON 48 BILANG PARANGAL SA NEW FOURTH ARMY AT EIGHTH ROUTE ARMY NG TSINA, 19 MAYO 1942. NAGING UNANG KOMANDANTE SI HUANG CHIEH AT KOMISARYONG PAMPULITIKA SI CHAI CHIEN HWA. ORIHINAL NA NAKAHIMPIL SA PAMPANGA. NAGMARTSA HANGGANG LAGUNA AT TAYABAS, 9 MAYO – 3 HUNYO 1943. BUMUO NG HIWALAY NA PANGKAT NG MGA GERILYA AT SUMANIB SA NAGKAKAISANG HANAY LABAN SA HAPON, HUNYO 1943. NAG-IISA O KASAMA NG IBA PANG PANGKAT NA LUMABAN SA TARLAC, PAMPANGA, RIZAL, LAGUNA AT CAMARINES NORTE. TUMULONG SA PAGBIBIGAY-DAAN SA HUKBONG AMERIKANO PARA SA LABANAN SA MAYNILA, ENERO 1945, AT SA PAGSAKOP NG HILAGANG BAHAGI NG MAYNILA, PEBRERO–MARSO, 1945. LUMAHOK SA PAGPAPALAYA SA LOS BAÑOS INTERMENT CAMP, 23 PEBRERO 1945. BINUWAG BILANG NASASANDATAHANG PANGKAT, 24 SETYEMBRE 1945.