Location: Manila North Cemetery, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: September 20, 1994
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HONORATA DE LA RAMA
(1902-1991)
UNANG PILIPINONG NAGPAKILALA SA KUNDIMAN SA IBANG BANSA. KILALANG MANUNULAT NG MAIKLING KUWENTO, SARSUELA AT OPERATA. IPINANGANAK, ENERO 11, 1902, SA PANDACAN, MAYNILA. BUONG GILIW NA TINATAWAG NA ATANG, SIYA AY GUMANAP SA MAHIGIT NA 50 SARSUELA SA MGA WIKANG KASTILA. TAGALOG, PAMPANGO AT ILOKANO. ANG KANYANG MGA KILALANG PAGGANAP AY SA DALAGANG BUKID, PAGLIPAS NG DILIM AT ANG KIRI. PINAKAMAGALING NA OPERATA ANG BULAKLAK SA KABUNDUKAN, AKING INA, ANAK NI EVA AT ANG PURI AT BUHAY. TUMANGGAP NG NAPAKARAMING GAWAD TULAD NG “REYNA NG KUNDIMAN”, 1963, AT “PRIMA DONNA NG TANGHALANG PILIPINO”, 1968; PRESIDENTIAL AWARD OF MERIT, 1966; NATIONAL ARTIST AWARD PARA SA TEATRO AT MUSIKA, 1987. NAMATAY, HULYO 11, 1991.