Location: Guinsuan Bridge, Km. 26 National Highway, Brgy. Basak, Zamboanguita, Negros Oriental
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: September 22, 2007
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG PAGSUKO NG MGA PUWERSANG HAPONES SA NEGROS ORIENTAL
NAITABOY NG MGA GERILYANG FILIPINO NG 73RD DIVISION (PROVISIONAL), SA ILALIM NG PAMUMUNO NI MAJ. CEFERINO GALVEZ, ANG MGA TROPANG HAPONES MULA SA IBA’T IBANG BAYAN SA KATIMUGAN, KASAMA NA ANG ZAMBOANGUITA, 6 MAYO 1944. DI KALAUNAN, NAPALAYA ANG BUONG NEGROS NG MAGKASANIB NA PUWERSANG FILIPINO AT AMERIKANO, NA SIYANG NAGBIGAY DAAN SA PORMAL NA PAGSUKO SA POOK NA ITO, 9:00 NG UMAGA NG 22 SETYEMBRE 1945, NG MGA PUWERSANG HAPONES SA ILALIM NI KOL. SATOSI OIE SA 503RD AIRBORNE REGIMENT NG HUKBONG AMERIKANO. IBINIGAY NI KOL. OIE ANG KANYANG ESPADANG SAMURAI KAY KOL. F. WILSON BILANG TANDA NG KANYANG PAGSUKO. DINALA ANG MGA SUMUKONG HAPONES SA LUMANG TRADE SCHOOL SA DUMAGUETE.