Location: Cagayan de Oro
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 14 May 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA BUROL AGUSAN
SA POOK NA ITO, MAYO 14, 1900, ANG UNANG KUMPANYA NG LAKAS PANGHIMAGSIKAN NG BATALYONG MINDANAO SA PANGUNGUNA NI KAPITAN VICENTE ROA Y RACINES AT MGA KABALYERIYA SA PAMUMUNO NI SARHENTO ULDARICO AKUT KASAMA ANG MGA MACHETEROS, AY MADUGONG NAKIPAGLABAN SA MGA SUNDALONG AMERIKANO NG IKA-40 REHIMYENTO NG BOLUNTARYONG IMPANTERYA NG ESTADOS UNIDOS NA PINANGUNAHAN NI KAPITAN WALTER B. ELLIOT. SI KAPITAN ROA, KASAMA ANG IBA PANG MAKABAYANG PILIPINO AY BUONG KABAYANIHANG NAMATAY SA LABANANG ITO.