Location: Town Plaza, Aloran, Misamis Occidental
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JOSE F. OZAMIZ
(1898–1944)
ISINILANG SA BANISILON, ALORAN, MISAMIS OCCIDENTAL, 5 MAYO 1898. NAGTAPOS NG ABOGASYA SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, 1921. GOBERNADOR NG MISAMIS OCCIDENTAL, 1929–1931; KINATAWAN SA LEHISLATURA NG PILIPINAS, 1931–1935; KOMBENSYON KONSTITUSYONAL, 1934–1935; PAMBANSANG ASAMBLEYA, 1935–1938. NAIHALAL MULI SA ASAMBLEYA NGUNIT TUMANGGI SA POSISYON UPANG UMANIB SA KILUSANG GERILYA AT HUKBONG AMERIKANO SA AUSTRALIA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. DINAKIP NG MGA HAPON AT IPINIIT SA FORT SANTIAGO AT BILIBID. DINALA SA MANILA CHINESE CEMETERY KUNG SAAN SIYA AT ANG IBA PANG KASAMA AY PINUGUTAN NG ULO AT ITINAPON ANG KANILANG MGA BANGKAY SA ISANG HUKAY LAMANG SA LOOB NG SEMENTERYO, 30 AGOSTO 1944. NATAGPUAN ANG MGA LABI, 1946. INILIPAT ANG MGA LABI AT BINIGYAN NG MARANGAL NA LIBING SA CEMENTERIO DEL NORTE SA MAYNILA, 9 MARSO 1947.