Location: Zamboanga City
Category: Buildings/Structures
Type: Prison
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 13 November 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SAN RAMON PRISON AND PENAL FARM
ITINATAG SA PATRONATO NI SAN RAMON NONATO COLONIA PENITENCIARIA AGRICOLA UPANG PALAWAKIN ANG AGRIKULTURA SA PAGGAWA NG MGA BILANGONG MANGGAGAWA, 31 AGOSTO 1870. PIITAN NG MGA NAHATULANG KALABAN NG PAMAHALAANG ESPANYOL. KALAUNA’Y DITO ITINAPON ANG MGA NAGKASALANG KRISTIYANO AT MUSLIM. NASUNOG ANG MGA GUSALI SA LABANAN NG PILIPINO AT ESPANYOL, 1899. IPINAGPATULOY NG MGA AMERIKANO ANG PAMAMAHALA DITO, 1901. PINAMUNUAN NG MORO PROVINCE, 1911, NG DEPARTMENT OF MINDANAO AND SULU, 1914, AT NG BUREAU OF PRISONS, 1915. GINAMIT NG MGA HAPON BILANG PIITAN NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ISA SA MGA UNANG KOLONYANG PENAL SA BANSA.