Location: Don Pablo Lorenzo Street cor. Zaragoza Street, Zamboanga City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2010
Marker text:
VICENTE S. ALVAREZ
(1862–1942)
LIDER REBOLUSYONARYO AT LINGKOD BAYAN. ISINILANG, 5 ABRIL 1862. SUMAPI SA KATIPUNAN, NAGTATAG AT NAMUNO NG SANGAY DITO SA ZAMBOANGA, 1892. NANGUNA SA PAGSUKOL NG MGA PUWERSANG PANDIGMA NG ESPANYA, 7 ABRIL 1899; KUTA NG ZAMBOANGA AT FORT PILAR, 4 MAYO 1899. HINIRANG BILANG BRIDGADYER-HENERAL NI PANGULONG EMILIO AGUINALDO. NAGING KATAAS-TAASANG PINUNO NG REBOLUSYONARYO SA ZAMBOANGA AT BASILAN, HUNYO – DISYEMBERE, 1899. LUMABAN NOONG DIGMAANG FILIPINO–AMERIKANO AT NADAKIP, MARSO 1902. NAGING PANGULO NG KOMITE NG MGA LALAWIGANG MORO PARA SA ST. LOUIS EXPOSITION, 1904. NAGLINGKOD BILANG OPISYAL NG KONSTABULARYA NG PILIPINAS; PANGALAWANG GOBERNADOR NG ZAMBOANGA AT HUWES NG TRIBAL WARDS. YUMAO, 4 NOBYEMBRE 1942.