Location: President Carlos P. Garcia Ancestral Park, Sitio Loy-a, Brgy. San Agustin, Talibon, Bohol
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2009
Marker text:
CARLOS P. GARCIA
(1896–1971)
ISINILANG SA TALIBON, BOHOL, 4 NOBYEMBRE 1896. NAGING GURO SA PAMPUBLIKONG PAARALAN, KINATAWAN NG IKATLONG DISTRITO NG BOHOL SA 7TH AT 8TH PHILIPPINE LEGISLATURE (1925–1931); KUMATAWAN SA BOHOL SA CONSTITUTIONAL CONVENTION (1934–1935); PUNONG LALAWIGAN NG BOHOL (1934–1941); SENADOR (1941–1953); PANGALAWANG PANGULO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS AT KALIHIM NG UGNAYANG PANLABAS (1953–1957); PANGULO NG PILIPINAS (1957–1960). ITINAGUYOD ANG “FILIPINO FIRST POLICY” UPANG MAKILALA ANG MGA GAWANG FILIPINO AT TANGKILIKIN ANG MGA PRODUKTO NITO. PANGULO NG 1971 CONSTITUTIONAL CONVENTION, 14 HUNYO 1971.