Location: Obong–Patacbo Barangay Road, Basista, Pangasinan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: November 13, 1996
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
EUGENIO PEREZ Y PADLAN
1896–1957
KILALANG MAMBABATAS, ESTADISTA AT ISA SA MGA NAGTATAG NG PARTIDO LIBERAL. IPINANGANAK NOONG NOBYEMBRE 13, 1896 SA SITIO OBONG, BARRIO BASISTA, SAN CARLOS, PANGASINAN. NATAMO ANG TITULONG BATSILYER SA SINING, 1918 AT BATSILYER SA BATAS, 1922. KAPWA SA PAMANTASAN NG PILIPINAS. INIHALAL NA KONSEHAL NG BASISTA, 1922–1925 AT KINATAWAN NG IKALAWANG DISTRITO NG PANGASINAN, 1928–1957. NAGING UNANG ISPIKER NG UNANG KONGRESO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 1946–1953. SA KANYANG PAMUMUNO BILANG ISPIKER, PINAGTIBAY NG KONGRESO ANG PINAKAMAGAGALING NA MGA BATAS NA NAKARAGDAG SA PAGPAPANIBAGONG-AYOS NG EKONOMIYA AT PAGPAPALAGO NG INDUSTRIYA NG BANSA NA GANAP NA NAWASAK NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. SA LOOB NG 29 NA TAON, PATULOY NIYANG GINAMPANAN ANG KANYANG MGA GAWAIN SA KONGRESO NANG BUONG KATAPATAN AT KAPAKUMBABAAN NA NAG-ANI NG PAPURI AT PAGHANGA NG KANYANG MGA KASAMA AT NG TAGURING DEKANO NG MGA MAMBABATAS. NAMATAY SA LUNGSOD NG QUEZON NOONG AGOSTO 4, 1957.