Location: Bangan Hill National Park, Brgy. Casat, Bayombong, Nueva Vizcaya
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: June 18, 2011
Marker text:
JOSE RIZAL
(1861–1896)
PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS. DOKTOR, AGRIMENSOR, DALUBWIKA, MANUNULAT, MAKATA, ESKULTOR AT PINTOR. ISINILANG SA CALAMBA, LAGUNA, 19 HUNYO 1861. MAY-AKDA NG NOLI ME TANGERE (1887) AT EL FILIBUSTERISMO (1891), MGA NOBELANG HIGIT PANG NAGPAALAB SA MGA FILIPINO NA MAGHIMAGSIK LABAN SA ESPANYA. DINAKIP AT IPINATAPON SA DAPITAN, HILAGANG MINDANAO, 6 HULYO 1892. NAGBOLUNTARYO BILANG MANGGAGAMOT NG PUWERSANG ESPANYOL SA CUBA, 1896, NGUNI’T MULING DINAKIP HABANG PATUNGONG ESPANYA SA BINTANG REBELYON. BINARIL SA BAGUMBAYAN (NGAYO’Y LIWASANG RIZAL), MAYNILA, 30 DISYEMBRE 1896. PATULOY NA INSPIRASYON PARA SA KALAYAAN AT PAGKABANSANG FILIPINO.