Location: Pedro Guevara Elementary School, San Fernando Street cor. Numancia Street, San Nicolas, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: September 1, 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MABABANG PAARALANG PEDRO GUEVARA
IPINATAYO NG PAMAHALAANG MILITAR NG AMERIKA NOONG 1898 BILANG ISA SA MGA UNANG PAARALANG PRIMARYA SA MAYNILA. NAGING UNANG MGA GURO NITO ANG MGA SUNDALONG AMERIKANO. MATATAGPUAN SA KINATATAYUAN NG MGA KOMISARYO NA DATING PAMILIHAN NG MGA SEDA NA BUHAT SA TSINA. ANG ALCAICERIA DE SAN FERANDO. NAKILALA BILANG PAARALANG PRIMARYA NG SAN NICOLAS. SI DR. WALTER WILLIAM MARQUARDT ANG NAGING UNANG SUPERBISOR NITO AT SI TRANQUILINO BUENAVENTURA NAMAN ANG UNANG FILIPINONG PUNONG-GURO. ITINAYO ANG PAARALANG INTERMEDYA NG SAN NICOLAS NOONG HUNYO 1917. PINAGSAMA ANG MGA PAARALANG PRIMARYA AT INTERMEDYA AT KINILALA BILANG PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN NICOLAS NOONG 1930. BINIGYAN NG BAGONG PANGALANG MABABANG PAARALANG PEDRO GUEVARA NOONG 1938. ANG PANGUNAHING GUSALI AY GINAWANG GARISON NG MGA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. IPINAAYOS AT NAGPATAYO NG MGA BAGONG GUSALI PAGKARAAN NG DIGMAAN.