Location: Santa Catalina College, 2660 Legarda Street, San Miguel, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: February 18, 1988
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SANTA CATALINA COLLEGE
UNANG PAARALAN NG MGA BABAE NA PINAMAHALAAN NG KABABAIHANG RELIHIYOSA. BINIGYAN NG PAHINTULOT BILANG BEATERIO NG TERTIARY ORDER NG MGA DOMINIKO AT BILANG EDUKASYONG INSTITUSYONAL NG MGA FILIPINA SA BISA NG ROYAL ORDER NG PEBRERO 17, 1716. NAGSIMULA SA PRIMARYA, PAGKARAAN ANG INTERMEDYA AT MATAAS NA PAARALAN, AT NANG LUMAON ANG KURSO PARA SA PAGSASANAY NG MGA GURO SA INTRAMUROS. BINUKSAN DIN ANG PAARALANG NORMAL PARA SA MGA KABABAIHAN SA PAMAMAGITAN NG ROYAL DECREE NI REYNA CRISTINA, AT KOLEHIYONG SUPERIOR NORMAL PARA SA MGA GURO, 1893. BINIGYAN NG KARAPATANG MAGGAWAD NG TITULONG “MAESTRA NORMAL,” 1889. NATIGIL NOONG HIMAGSIKAN SA PILIPINAS, 1896, AT NOONG BOMBAHIN NG MGA HAPON ANG GUSALI NG KOLEHIYO, 1941. PANSAMANTALANG NAGDAOS NG PANGMABABANG BAITANG SA LEGARDA ELEMENTARY SCHOOL, 1941. ITINAYO ANG GUSALING ITO MATAPOS ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT BINUKSAN ANG KURSONG SEKRETARYAL, 1953; BSE, BSEED AT BSC, 1965; AT SA HULI, ANG AB, 1970.