Location: Gota de Leche Building, 859 Sergio H. Loyola Street, Sampaloc, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: September 8, 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
NATIVIDAD ALMEDA LOPEZ
(1892–1977)
NANGUNANG FILIPINANG NANUNGKULAN BILANG ABOGADO; UNANG FILIPINANG HUKOM AT MAHISTRADO NG HUKUMAN SA PAGHAHABOL. IPINANGANAK, SEYTEMBRE 8, 1892. NAGKAMIT NG MGA TITULONG BACHELOR OF ARTS, LICEO DE MANILA, 1909; LICENTIATE IN JURISPRUDENCE, ESCUELA DE DIRECHO DE MANILA, 1913; MASTER OF LAWS, 1937, AT DOCTOR OF CIVIL LAW, 1938, KAPWA BUHAT SA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS. TINANGGAP SA BAR, 1914. NAGSIMULANG MAGLINGKOD SA PAMAHALAAN BILANG SPECIAL ATTORNEY, KAWANIHAN NG KATARUNGAN, 1919. NANGULO SA IBA’T IBANG HUKUMAN NG KATARUNGAN, 1931–1962. HUMAWAK SA IBA’T IBANG KATUNGKULAN SA MGA KILALANG SAMAHAN AT INSTITUSYONG PANSIBIKO AT PANGKAWANGGAWA. PANGULO, LA PROTECCION DE LA INFANCIA, (KAGOTA DE LECHE), 1936–1977. TAGAPAGTATAG, MANILA CHILDREN’S AND LYING-IN HOSPITAL. KINATAWAN SA MARAMING MAHAHALAGANG KAPULUNGANG PANGDAIGDIG. TUMANGGAP NG MGA GAWAD PAMPANGULO DAHIL SA KANYANG PANGUNGUNA SA MGA KILUSANG PANGKABABAIHAN, 1955; PARA SA KANYANG PAKIKIBAKA PARA SA KILUSAN SA PAGBOTO NG MGA KABABAIHAN SA BANSA, 1966; DAHIL SA KANYANG NAPAKABISANG PANGUNGUNA TUNGO SA PAGKILALA SA MGA KARAPATAN NG MGA FILIPINA, 1968. NAMATAY, ENERO 23, 1977.