Location: Chinatown Gold Center, 509-11 Ronquillo Street, Plaza Santa Cruz, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ARISTON BAUTISTA LIN 1863–1928
MANGGAGAMOT, PILANTROPO AT MAKABAYAN. SIYA AY IPINANGANAK SA POOK NA ITO NOONG IKA-22 NG PEBRERO 1863 KINA MARIANO A. BAUTISTA AT TERESA LIMPINGCO. NAG-ARAL NG MEDISINA SA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS, 30 HUNYO 1891 AT NAGTAPOS NA MAY TITULONG LISENSIYADO AT DOKTOR NG MEDISINA SA UNIVERSIDAD CENTRAL DE MADRID, 20 ABRIL 1892. KINILALANG KLINISTA DAHIL SA PAGBALANGKAS NIYA NG ORIHINAL NA MGA RESETA PARA SA PANGGAGAMOT NG KETONG, KOLERA AT TISIS. NAGING PUNO NG KAGAWARANG KLINIKAL NG KOLEHIYO NG MEDISINA NG PAMANTASAN NG PILIPINAS, 1916–1917. NAGING UNANG PILIPINONG PANGULO NG LUPON NG MGA TAGASURI SA MEDISINA, 1903. KASAMA NINA RIZAL, LUNA, DEL PILAR AT LOPEZ JAENA SA KILUSAN NG PAGPAPALAGANAP. IBINILANGGO SA KUTANG SANTIAGO, 1896. NAGING KAGAWAD NG KONGRESO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 1898. NAMATAY SA MAYNILA NOONG IKA-3 NG MARSO 1928.