Location: Gunao Street, Quiapo, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1973
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
EL RENACIMIENTO 1901
SA POOK NA ITO ITINATAG NI MARTIN OCAMPO ANG MAKABAYANG PAHAYAGANG EL RENACIMIENTO NA ANG UNANG BILANG AY LUMABAS NOONG SETYEMBRE 3, 1901. NAGING PATNUGOT SINA RAFAEL PALMA (1901–1903), FERNANDO MA. GUERRERO (1903–1907), AT TEODORO M. KALAW (1907–1909). NATALO SA USAPING LIBELO AT ANG MGA KASANGKAPAN NG PAHAYAGAN AY IPINAGBILI UPANG MABAYARAN NG ₱60,000 DANYOS ANG KALIHIM-PANLOOB DEAN C. WORCESTER. ITO ANG IKINAMATAY NG PAHAYAGAN.