Location: Arzobispo Street cor. Postigo Street, Intramuros, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: September 23, 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG POOK NA KINATATAYUAN NG
UNANG SEMINARYONG DIYOSESANO NG PILIPINAS
UNANG ITINATAG SA BISA NG DEKRETO NG HARING FELIPE V NA IPINALABAS NOONG ABRIL 28, 1702 BILANG SEMINARYONG KONSILYAR NA KAUGNAY NG SIMBAHANG METROPOLITAN NG MAYNILA PARA SA WALONG KATUTUBONG SEMINARISTA. ANG SEMINARYO AY IPINATAYO SA PAMAMAHALA NG GOBERNADOR HENERAL DOMINGO ZABALBURU DE ECHAVARRI (1701–1709) AT DON DIEGO CAMACHO Y AVILA, ARSOBISPO NG MAYNILA (1697–1706), SA DATING TIRAHAN NI DON MANUEL SUAREZ DE OLIVEIRA SA LIKOD NG PALASYO NG GOBERNADOR HENERAL SUBALIT INILIPAT SA TAPAT NG PALASYO NG ARSOBISPO NA PINAGPAGAWAAN NG ISANG MALAKING GUSALI. ANG SEMINARYO NA PINANGALANG REAL COLEGIO SEMINARIO DE SAN CLEMENTE SA KARANGALAN NG PAPA CLEMENTE XI AY PINASINAYAAN NOONG 1705 AT GINAMIT NG 80 MAG-AARAL KABILANG NA YAONG NAGBUHAT SA IBANG MGA BANSA SA ASYA.
IPINASARA NG HARI NOONG 1706 DAHIL SA PAGLABAG SA MGA ITINATADHANA NG KANYANG DEKRETO NG 1702. BINIGYAN NG BAGONG PANGALANG SEMINARIO DE SAN FELIPE NOONG DISYEMBRE 31, 1712. ANG SEMINARYONG ITO ANG PINAGSIMULAN NG KASALUKUYANG SEMINARYONG DIYOSESANO NG SAN CARLOS NG ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA.
INALISAN NG TABING NOONG YUBILEO NG MGA SEMINARISTA, SETYEMBRE 23, 2000.