Location: NFWC Building, 962 J. Escoda Street cor. San Marcelino Street, Ermita, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: March 28, 1999
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
TRINIDAD LEGARDA
(1899–1998)
UNANG EMBAHADORA NG PILIPINAS, LIDER SIBIKO, MASUGID NA TAGAPAGTAGUYOD NG KILUSAN SA SIMPONIYA NG PILIPNAS. IPINANGAKA SA CUYO, PALAWAN, MARSO 28, 1899. ISA SA MGA NAGTAGUYOD SA PAGTATATAG NG MGA SENTRO SA PAGBASA, WALANG BAYAD NA PAG-AARAL SA KINDERGARTEN AT MGA PALARUANG PAMBAYAN AT ANG PAGPAPATANYAG SA SIMPONIYA. MASIGASIG NA NANGAMPANYA PARA SA KARAPATANG BUMOTO ANG MGA KABABAIHAN NOONG 1937. NAGING LIDER NG IBAT-IBANG SAMAHANG SIBIKO KABILANG NA ANG KANYANG PANUNUNGKULAN BILANG PANGULO NG NATIONAL FEDERATION OF WOMEN’S CLUBS OF THE PHILIPPINES, 1946–1952. HINIRANG NA EMBAHADOR SA REPUBLIKA NG VIETNAM AT KASABAY NITO, SUGONG PLENIPOTENSYARYO SA MGA KAHARIAN NG CAMBODIA AT LAOS, 1958–1962. TUMANGGAP NG MARAMING GAWAD MEDALYA TULAD NG GAWAD NA IPINAGKALOOB NG PAPA JOHN PAUL II, 1980. YUMAO, PEBRERO 2, 1998.